Linggo, Disyembre 22, 2024

December 22, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Kasama ni Mariang Kabanal-banalan at ni Elisabet, tayo’ y dumulog kay Hesus, na masuyo nating Tagapagligtas, at magsumamo tayong:

Halina, Panginoong Hesus, huwag nang magtagal!

Panginoong Hesus, sa mula’t mula pa man, kabahagi ka na ng Ama. Halina ngayon at bigyan kami ng buhay na walang hanggan. Manalangin tayo!

Salita ng Buhay, ikaw ang aming Dakilang Lumikha at tanging pag-asa. Halina’t tubusin ang gawa ng iyong mga kamay. Manalangin tayo!

Anak ng Diyos, nang dahil sa pag-ibig mo sa amin, di ka nag-atubiling magkatawang-tao. Halina’ t palayain kami sa kapangyarihan ng kamatayan. Manalangin tayo!

Karingalan ng Ama, ikaw ang bukal ng aming pag-asa sa mundong binabalot ng kadiliman ng sakit at kasalanan. Halina’t balutin kami ng iyong liwanag. Manalangin tayo!

Anak ng Kalinis-linisang Ina. Halina’t bahaginan kami ng iyong walang hanggang kaluwalhatian. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, itulot mong maging bukas ang aming kalooban at mapuspos nawa kami ng pananabik na gaya ng kay Mariang Kabanal-banalan sa paghahanda para sa iyong pagsilang. Ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpakailanman. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Nicanor C. Agustin November 10, 2021 at 10:29 am

Maraming salamat po sa reflection nyo po sa Ebanghelyo, pwede ko po magamit yung ibang salita sa pagbabahagi ko po sa aming Household ?

Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.

Reply

Reynald Perez December 16, 2021 at 9:47 am

PAGNINILAY: Tayo ngayon ay nasa Ikaapat at huling Linggo sa Panahon ng Adbiyento bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Unang Pagdating ng Panginoon sa Pasko ng Pagsilang. At makikita natin na ang tema ng huling kandila sa korona ng Adbiyento ay pagmamahal sapagkat ito ang nagpapatunay sa walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa atin, kaya sa Pasko ay ipinagdiriwang natin ang katuparan ng pagmamahal na iyon Pagsilang ng ating Panginoong Hesus.

700 bago dumating si Kristo, ipinahayag ni Propetang Mikas ang pagsilang ng Mesiyas sa abang lungsod na Bethlehem, na siya rin mismong pinagmulan ni Haring David. Kaya’t makikita dito na si Hesus ay nagmula sa lahi ni Haring David, at buong kababang-loob siya’y isisilang ni Birheng Maria sa sabsaban. At ito namang si Maria sa Ebanghelyo ay bumisita sa kanyang pinsan na si Elisabet. Akalaing matanda na si Elisabet pero hindi siya nanatiling baog, sapagkat pinagpala siya ng Diyos ng isang anak na lalaki na si San Juan Bautista. Matapos ibinalita ni San Gabriel Arkanghel na ang kanyang pinsan ay manganganak, agad dinayo ni Maria si Elisabet. At nakita dito ang pagtalon ng dinadala ni Elisabet at ang pagpapala kay Maria bilang bukod na babaeng pinagpala sa lahat at dakilang pagpapala sa dala nitong si Hesus. Sa larangan ng Teolohiya, ang Mahal na Birheng Maria ay itinuturing na Kaban ng Bagong Tipan. Siya ang tahanan ni Kristo, ang katuparan ng Kautusan. Kung si Haring David ay tumalon sa paghahanga niya sa kaban, si Juan Bautista ay tumalon nang makita niya si Hesus. Kung paano rin sinabi ni David na siya’y dinadalaw ng Diyos, si Elisabet naman ay nagsabi na siya’y dinadalaw ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Ina.

Kaya’t makikita dito sa pangyayaring ito, naipahayag ang Mabuting Balita sa pamamgitan ng kabutihan ni Maria sa pagdalaw sa pinsan niya at ng pasasalamat ni Elisabet sa kaligtasang niloob ng Diyos sa pagdadalang-tao ni Maria kay Hesus. Kaya ang dalawang babaeng ito ay nagpakita ng pagsunod at pasasalamat sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. At sinasabi nga sa Ikalawang Pagbasa na higit pa sa mga pisikal na handog na sinusunog at inaalay, mas mahalaga ang pagiging matapat sa kalooban ng Panginoon. Kaya ngayong papalapit na po tayo sa Pasko, makilala nawa natin ang Diyos na patuloy na dumadalaw sa atin. Siguro po siya ay namamasko rin upang isilang ang kanyang Bugtong na Anak na bagamat katulad niya ay nagkatawang-tao upang makipamuhay sa atin. Sa simpleng paggawa ng katuwiran at kabutihan sa kapwa at sa ibang tao, maipapairal at maipalaganap natin ang kanyang pagmamahal hindi lang sa Kapaskuhan, kundi sa araw-araw nating buhay.

Reply

Analyn Mangona December 18, 2021 at 11:47 pm

Ang aking papuri at pasasalamat ay sayo PANGINOON DIYOS AMA.at PANGINOON HESUKRISTO???

Reply

Gina j Lavarias December 19, 2021 at 4:40 am

Papuri at Pasasalamat sa iyo Panginoong Hesukristo!!!

Reply

Ferdy Baetiong Pariño December 19, 2021 at 7:11 am

Ang bisitasyon ang isinasaad ng ating ebenghelyo ngayon. Ano ang hamon at aral sa atin ng Manuting Balitang ito?

Ang pagiging masunurin ng magpinsang Maria at Elizabeth ay dapat nating tularan. Sa pang araw araw nating buhay, tayo ay namimili, ang pagpipilian ay ang mga panandaliang sarap na tukso ng demonyo at isa naman ay ang kalooban o pagsunod sa kautusan ng Diyos. Ang lahat ng ating iisipin, sasabihin at gagawin ay may dalawang pagpipilian. Ang tama o ang mali, ang masarap at ang mahirap, at nakakapinsala at kapakipakinabang, ang kasamaan at kabutihan, Si Satanas o si Hesus. Kapag pinili mo ang sa demonyo, kadalasan ay masarap at madali subalit panandalian lamang at hahantong din sa kapahamakan, kalungkutan at minsan pa ay kamatayan. Ngunit kapag pinili mo si Hesus kadalasan ay mahirap, may sakripisyo, kukutyain o minsan nman ay matagal pero ang kapalit nman ay habangbuhay na kaligayahan, peace of mind, kapayapaan at tagumpay.

Pinababatid din sa atin ng Mabuting Balita na walang imposible sa Panginoon. Si Elizabeth at matanda na at baog pero nagdalang tao pa din dahil sa kalooban ng Diyos. Itanim natin ito sa ating isipan, walang hindi mapangyayari ang Diyos kung loloobin nya at kung tayo ayblubos na mananalig sa kanya at ibibigay ang buong tiwala.

Samanatalahin natin ang Adviento, ihanda ang ating mga sarili. Magsisi tayo sa gawang mali, humingi ng kapatawaran at talikuran na ang kasamaan. Maligayang Pasko!

Reply

Kulot December 19, 2021 at 5:10 pm

Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: