Lunes, Nobyembre 25, 2024

November 25, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Inihandog ng balo sa Templo ang lahat-lahat sa kanya. Pinapaging mapagkumbaba tayo ng kanyang pagiging mapagbigay. Maging mapagbigay tayo sa ating pananalangin para sa ating kapwa bilang pagtugon sa Diyos na nagbibigay sa atin ng biyayang walang humpay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagbigay na Diyos, basbasan Mo kami.

Bilang Simbahan, maging mapagbigay tayo nang sapat upang magbahagi tayo hindi lamang mula sa ating kasaganaan kundi mula rin sa ating kasalatan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lingkod bayan nawa’y maging malaya sa kasakiman at pagmamalabis sa kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga balo, mga solong magulang, at mga ulila nawa’y umunlad sa kabanalan at mabasbasan ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maibahagi ang kanilang pagdurusa sa pagpapakasakit ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y tanggapin sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, buksan mo ang aming mga puso sa mga nakapaligid sa amin upang makilala namin ang iyong presensya sa aming mga kapwa at mga kaibigan at matuklasan namin ang kaligayahan ng pagbabahagi ng aming buhay sa kanila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Mlhon November 21, 2022 at 7:24 pm

Inialay niya ang kanyang buong kabuhayan.”

Alalahanin natin ang balo na, sa kanyang pag-aalaga sa mga mahihirap, ay kinalimutan ang kanyang sarili hanggang sa puntong ibigay ang lahat ng kailangan niyang ikabubuhay, iniisip lamang ang buhay na darating gaya ng pinatutunayan mismo ng ating Panginoon. Ang iba ay nagbigay ng kanilang kasaganaan ngunit siya – kahit na mas mahirap, marahil, kaysa sa marami sa mga mahihirap para sa kanyang buong kapalaran ay naninirahan sa dalawang maliliit na barya – siya ang nagdala sa kanyang puso ng higit na kayamanan kaysa sa marami sa mga mayayaman. Tumingin lamang siya sa kayamanan ng walang hanggang gantimpala. Sa kanyang pagnanais para sa makalangit na kayamanan, ibinigay niya ang lahat ng kanyang pag-aari bilang mga pag-aari na nagmula sa lupa at bumalik sa lupa (Gn 3:19). Ibinigay niya kung ano ang mayroon siya upang angkinin ang hindi pa niya nakikita. Ibinigay niya ang mga bagay na nabubulok upang makakuha siya ng mga walang kamatayan. Ang kaawa-awang munting babaeng ito ay hindi nakalimutan ang mga paraan na nakita at inayos ng ating Panginoon para sa pagtatamo ng gantimpala sa hinaharap. Ni, samakatuwid, ay hindi nakalimutan siya ng Panginoon sa kanyang bahagi at kahit ngayon ay binigkas ng hukom ng mundo ang kanyang hatol: pinupuri niya siya na kanyang puputungan sa araw ng paghuhukom.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: