Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

November 6, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Lumapit tayo sa Diyos Ama upang makasunod tayo kay Kristo nang hindi pabagu-bago at makatugon sa mga hamon ng pagiging alagad.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa Ngalan ni Jesus, pakinggan mo ang aming panalangin.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y patuloy na magpakita ng tunay na pagiging alagad, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang iwaksi ang pananalig sa mga materyal na kayamanan at matagpuan ang tunay na katatagan sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi tumalikod sa mga pagsubok, at sa halip harapin natin ang mga krus na dumarating sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may pinapasang krus sa katawan, isip, o sa espiritwal na paghihirap nawa’y matutong lumakad sa mga yapak ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kapatid na nagpasan ng krus ni Kristo sa mundong ito nawa’y maging maligaya na sa walang hanggang kasiyahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, alam mo ang marami at iba’t ibang pangangailangan namin sa buhay na ito. Bigyan mo kami ng tapang upang pasanin ang aming krus at sumunod sa mga yapak ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 7, 2018 at 2:31 am

Reflection: The First Reading reminds us to appear unblemish and holy as God’s faithful witnesses. Like St. Paul, we are also called to share in the mission in order to spread the joy of God’s love to others. And when we are asked on such mission in our lives, we should neither grumble nor question. The Gospel is a calling to discipleship. Jesus reminds us of this urgency to follow him daily without hesitation. When he says to hate our mother and father, it is not literally total rejection, but rather on the second option basis. Remember that it is the Lord who gave us loving parents to nurture us, so even as we obey them, we also ought to obey him above all. Now when the Lord says to carry the cross, it means that we are to endure our earthly trials with faith and perseverance, as we strive to devote ourselves in doing good and avoiding evil (free will). And the challenge of renouncing our possessions is not literally giving up everything. Detachment means that we rely not only on worldly matters, but also on spiritual gifts that God provides. Remember that it is God who provides your daily needs in life as a result of sowing the seeds of your labor. So if we love God, then we must love other people. Similarly if we love other people, then we must love God above all. And loving him and neighbor means becoming followers of Christ daily in our mission of giving witness to the message of love.

Reply

Reynald Perez November 7, 2018 at 8:30 am

Pagninilay: Ang pagtugon sa tawag na sumunod sa Panginoon ay kinakailangan ng sapat na katapatan sa kanya. Kaya nga ipinahayag ni Hesus sa Ebanghelyo ang mga balakid na hindi nagpapahintulot sa atin sa pagsunod sa kanya. Unang sinabi niya na hanggang tinatanggi natin ang ating ama at ina ay hindi tayo’y magiging mga alagad niya. Sa wikang Griyego, ang salitang “tanggi” ay hindi yung literal na “hate” sa wikang Ingles, kundi ito ay tinatawag na “ikalawang opsyon”. Nais ipahayag ni Hesus na kung palagi niya tayong binibiyayaan ng mga magulang pati na mga kapatid, dapat patuloy natin patatagin ang ating pananampalataya sa kanya. Ikalawa ay hindi raw maaring maging mga alagad ni Kristo kung hindi natin tinatahak ang mga krus. Ang sinisimbolo ng krus na iyon ay ang bawat pagsubok at pagdurusa na ating dinadanas araw-araw. Marahil nais nating guminhawa ang ating buhay upang mawalan na ang mga problema. Ngunit ang nais ipahayag ni Hesus na patuloy nating patatagin ang ating pananampalataya at katapatan sa kanya sa pagpasan ng mga “krus ng ating buhay”. Kahit siya mismo pinasan niya ang Banal na Krus hanggang Golgota upang maunawaan natin ang kahalagahan ng sakripisyo para sa ikabubuti ng marami. Inaanyayahan tayo na tularan ang tagapagtayo ng torre ng pag-ibig ng Diyos na kailangang umupo upang suriin kung anu-ano ang mga materyales ang magpapatibay sa pundasyon ng ating pananampalataya, at ganun din ang haring nakikipagdigmaan laban sa mga tukso at kasamaan upang malaman natin kung anong istratehiyang ating gagamitin sa patuloy na pagpapalaganap ng kabutihan sa mundo. Kaya nga ang pagsunod sa Panginoon ay kailangan tayo’y maging tunay na alagad niya. At katulad ni San Pablo sa Unang Pagbasa, nawa tayo’y maging dalisay ang puso at malinis na kalooban sa tulong ng grasyang ibinigay sa atin ng Diyos upang karapat-dapat nating paglingkuran siya at sundin ang kanyang dakilang kalooban.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: