Miyerkules, Setyembre 11, 2024

September 11, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Mayaman man o mahirap, lahat tayo ay sama-samang tinatawag ng Diyos bilang kanyang mga anak ng Kaharian. Manalangin tayo sa Ama nang may tunay na puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapala, lingapin Mo kami.

Ang Simbahang dumaranas ng pag-uusig nawa’y patuloy na kumapit sa pananampalataya at tipunin ang lahat sa pagkakaisa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at mga nangagugutom nawa’y tumanggap ng kanilang kabusugan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod ng ating mga pinuno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga sumasampalatayang inuusig, iniinsulto, kinamumuhian, at inaabuso nawa’y magbunyi sa kasiyahan ng Kahariang naghihintay sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y makadama ng kasiguruhan sa pamamagitan ng ating pag-ibig at pag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng habag ng Panginoon sa tulong ng ating mga panalangin, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, pakinggan mo ang aming mga hinaing. Nawa’y ipahayag ng aming buhay ang kaligayahang inihanda mong maging amin sapagkat ikaw ay aming Panginoon, ngayon at magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 10, 2018 at 4:06 pm

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ni San Mateo ay ang Ikalimang Kabanata inilaan para sa mga pangangaral ng ating Panginoong Hesukristo, na ang tawag ay “Sermon on the Mount”. Dito naman si Ebanghelyo ni San Lucas, ang Ikaanim na Kabanata ay inilaan para sa mga kapare-parehas rin na mga pahayag ng Panginoon, na ang tawag naman dito ay “Sermon on the Plain”. Nagsisimula rin ito sa katulad ng kay Mateo (8 Beatitudes), ngunit ang nadagdag ay hindi lang mga pagpapala, kundi may mga kasawiang nabanggit si Hesus. Ang mga sinabi ng Panginoon na pinagpala ay mga itinuturing na mahihirap at walang kakayahang mamuhay nang masagana. Kabilang din sa mga pinagpala ay ang mga may mga paghihirap, at ang lahat ng mga ito ay may gagantimpalaan pagkatapos ang lahat ng mga pagsubok. Subalit ang mga kasawian naman ay tila nga bang mga matalino, mayaman, at iba pang mga nasa mataas na lebel sa lipunan. Ngunit ano ba talaga ang mensahe ng Ebanghelyo? Kailangan nating intindihin ang bawat pagbabasa natin ng mga bersikulo sa Bibliya hindi lang sa literal na mensahe, pati rin sa historikal na konteksto upang maisabuhay natin ang tunay na kahulugan ng bawat pagpaparangal ng Panginoon. Bago pa man ang kapanuhanan ni Kristo, ipinahayag na ng mga propeta na ang Diyos ay dumidinig sa mga hinaing ng mga taong minamaltrato at niyuyurakan ng mga nasa matataas na antas. Kaya’t dito ipinahayag ng Panginoon ang mga pagpapala ng iilang tao at ganun rin ang mga kasawian ng iilang tao. Subalit sadya bang magkakaroon ng pighati ang mga mayayaman at matatalino? Hindi naman tumatanggi ang Panginoon kung ang tao ay puno ng kakayahan at talento sapagkat alam niya na dapat gamitin ang mga ito upang ipaunlad ang kabuhayan ng lahat ng tao. Kaya nga kung gagamitin nang mabuti ang pera, lakas, at iba pang interes, may mabubuting epekto ito lalung-lalo na sa mga nangangailangan. Ngunit kaya pinahayag ni Kristo ang mga kasawian sapagkat may mga taong sadyang ginagamit ang impluwensiya at kapangyarihan upang makapanakit ng kapwa at makaabot ang pansariling kapakanan sa buhay. Ang hamon sa atin ng Panginoon ay ang kababaang-loob ng puso na sa kabila ng ating mga tagumpay mula pagkabata hanggang sa kontemporaryong sitwasyon ng buhay natin, dapat matuto tayong magpakumbaba at aminin na ang lahat ng mga makamundong bagay ay lilipas rin. Ngunit hindi kailanman lilipas ang pananampalataya natin sa Panginoon na siyang dapat ating ituon at ang tunay na kagalakang nakalaan sa kanyang kaluwalhatian sa langit. At tayo rin ay tinatawag na patuloy na gumawa ng kabutihan at hindi ng kasamaan sa ating kapwa-tao.

Reply

MARZ September 11, 2024 at 3:28 pm

God is good all the time.
All the time God is good.
Amen.

Reply

Malou Castaneda September 10, 2024 at 9:58 pm

PAGNINILAY
Sinabi sa atin ni Hesus kung paano mararanasan ang pagpapala ng Diyos o maging handa na sabihing, “Sa aba natin!” sa walong mga bersikulo lamang. Itinaas ni Hesus ang mga pagpapahalagang karaniwan nating itinuturing na kanais-nais. Hinihiling Niya sa atin na matanto na hindi tayo nabubuhay para lamang maging masaya sa buhay na ito ngunit dapat nating itanong sa ating sarili ang mas malalim na halaga ng ating mga paraan ng pamumuhay sa liwanag ng kung ano ang maaari nating dalhin sa buhay na walang hanggan. Hindi natin dapat kalimutan na ang mga bagay ay hindi maaaring dalhin sa buhay na walang hanggan. Sa halip, dinadala lamang natin ang mga bagay na ibinigay natin – kahit na ito ay isang tasa lamang ng tubig na ibinigay sa pangalan ni Hesus. Mayroong tiyak na gantimpala at walang hanggang pagpapala kapag nakikilala natin si Hesus. Ngunit aba kapag ninanais natin ang mundo sa halip na marinig ang Diyos na magsasabi, “Magaling, mabuti at tapat na lingkod”.

Malaki ang kahulugan ng Setyembre 11. Ito ang araw na naaalala natin ang nangyari noong 9-11, 2021 nang ang Amerika ay inatake ng mga terorista.  Naaalala rin namin ng may pasasalamat ang ika-17 ‘second birthday’ ni Joven ang aking asawa, pagkatapos ng kanyang 2007 heart bypass. Ipanalangin nayin ang lahat ng may kaugnayan sa Setyembre 11. Nawa’y patuloy nating maranasan ang mga kayamanan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos at nawa’y makilala natin ang Diyos na nagkagusto sa atin 🙂 !

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makita ang aming mga pagpapala sa gitna ng aming mga paghihirap. Amen.
***

Reply

Group of Believer Poblite September 11, 2024 at 8:22 am

REFLECTION: In the record of the blessed in the Gospel of St. Luke he clearly defined that the poor are blessed and not only the poor in spirit. He is referring to the actual poor, hungry, crying and enslaved by society before. What he emphasizes is being in a state of poverty and suffering. He’s not saying it’s lucky to be put in such circumstances and situations. He’s not happy they’re in that situation. Call of faith to remove them from that situation. It’s a sinful situation to be filmed. Nevertheless, blessed are they called because God is on their side. God is on their side. They are in God’s mind and heart. God works in a mysterious way to lift them up from that situation. Therefore whoever seeks to obey the Lord will be on the side of his side. Blessed are the poor and suffering because they have a companion and care for them – the disciples and followers of the Lord. The love of the Lord for them will be delivered by his disciples.

Them being blessed is another dream that the Lord’s disciples must fulfill. This record of the blessed is not a declaration that their situation is in order now. This is a challenge and invitation to all who believe in the Lord to make the situation of the poor and suffering blessed by caring for them. No one will suffer if someone cares whether it’s an individual or an institution. The poor will feel hopeful if they have others who care about them. Their situation may be difficult but they will feel blessed because someone is leading them up. The God who is on their side will touch the hearts of many to meet them in their miserable condition.

Unfortunate are the rich today because because of what they enjoy, they have become numb to the poor. If they are just passing in this life while many are suffering says the Lord you will have a day. The past has an end and the rewards of fate are heavy. They are even more unfortunate if their wealth comes from oppression especially the little ones. Blessed are they because the justice of God is unpaid. They can’t get away with it. If God is not on your side you will be terrified. That was life’s biggest accident. Wealth cannot provide what your heart seeks.

In your compassion and concern you can find true treasure.

PRAY: Lord, may we not be the reason for the oppression of others.

DO: Defend the oppressed and fragile of the world.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: