Biyernes, Agosto 2, 2024

August 2, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Tinanggihan si Jesus ng sarili niyang mga kababayan. May pananalig nating tanggapin siya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Jesus, ipagdangal ka nawa ng aming buhay.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpahayag ng Salita ng Diyos nang may katapangan at may pananalig na isabuhay ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mapalakas sa maalab at walang takot na pagpapahayag ng mensahe ng Ebanghelyo sa ating tahanan at kapitbahayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y maging mapagtiis at huwag manghina ang kalooban sa paghahasik ng mensahe ng Diyos sa mga lugar na hindi pa tumatanggap nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang ng may kapansanang mga anak, ang mga nag-aalaga sa matatanda, at lahat ng nagdurusa sa kani-kanilang tahanan o sa ospital nawa’y maging mga tahimik na ehemplo at saksi sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namimighati sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay nawa’y kalingain ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama sa Langit, nananalig kaming nananalangin sa iyo na pakikinggan mo ang aming mga mithiin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 24, 2020 at 8:29 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa pagpropesiya ni Jeremias laban sa Juda na pinagmumunuan ni Joaquim dahil sa mga makasalanang gawain ng mga tao laban sa Panginoon. Sinabi niya na hahantong ang mga ito sa pagkaranas ng pag-iisahan sila ng kanilang mga kaaway. Ngunit hindi ito’y pinaniwalaan ng mga saserdote, propeta, at tao na tilang inaakala nilang baliw si Jeremias. Kaya’t hinatol nila na siya’y patayin o kaya ikulong nalang siya. Hindi tinanggap ng Juda ang mensahe ng Jeremias na mula pa sa Panginoon.

Ang Ebanghelyo ay tungkol sa malungkot ng pangyayari nang di matanggap ng mga taga-Nazaret ang kanilang kababayan na si Hesus. Siya’y nagturo sa kanilang sinagoga, ngunit nagduda sila sa kanya dahil tingin nila siya’y anak lamang ng karpintero na si Jose. Hindi nila pinaniwalaan siya bilang propeta at higit pa bilang Anak ng Diyos. Kaya’t sinabi ni Hesus na walang propetang tinatanggap sa kanyang sariling bayan at pamayanan. At sabi nga sa huli ay hindi siya nakapaggawa ng anumang kababalaghan diyan dahil sa pagkukulang ng kanilang pananampalataya.

Ang hinding pagtanggap kina Jeremias at Kristo ay nagpapahiwatig kung gaanong di naunawaan ang mensahe ng Diyos dahil maliit lang ang kanilang pananampalataya. Ngunit makikita natin dito yung katatagan ng pananampalataya nina Jeremias at Hesus dahil ang itinuro nila ang kahalagahan ng pagsunod sa kalooban ng Ama. Yung nga ilang, inuna muna ng kanilang audensiya ang pagkiling sa kanilang katauhan.

Sa ating buhay, nawa’y makinig tayo sa mga taong nagpapahayag tungkol sa mga mensahe ng Panginoon, yung mga tinuguran na “mga propeta ng kontemporaryong panahon” na wala tayong kinikilingan at pinoprotektahan na masamang gawain. Nawa’y tanggapin natin ang Panginoon sa ating buhay at maging kanyang mga saksi upang ipagpahayag ang Mabuting Balita ng Paghahari ng Diyos sa mga taong hindi pa kilala siya at mahina ang pananampalataya sa kanya.

Reply

Reynald David Perez July 27, 2022 at 5:50 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang ng buong Simbahan ngayon ang Paggunita kay Santa Marta. Isa si Santa Marta sa mga kababaihang tagasunod ni Hesus at mga malalapit niyang kaibigan. Siya ang kapatid nina San Lazaro at Santa Maria ng Betania. Kilala siya sa paglilingkod sa mga pisikal na pangangailangan ng mga panauhin sa kanilang sambahayan. Minsan nga siya’y nagreklamo sa Panginoong bisita sa kanilang bahay na pagsabihan ang kanyang kapatid na si Maria na tulungan siya. Ngunit ipinaalala ni Hesus sa kanya na hindi dapat siya maging abala sa maraming bigay, kundi gawin ang nararapat na makinig sa Panginoon, katulad na ginagawa ni Maria.

Nang nabalitaan ni Hesus na may sakit ang kanyang kaibigang si Lazaro, alam ni Hesus na mamatay si Lazaro hindi dahil nais niya ito, kundi upang iphayag sa magkapatid, mga bisita nina Marta at Maria, at pati na rin sa mga Apostol ang tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos. Kaya nang makita ni Marta si Hesus, parang nanumbat siya sa Panginoon na dapat dumating rito noong buhay pa ang kanyang kapatid na si Lazaro. Ngunit idineklara ni Kristo kay Marta bilang Muling Pagkabuhay at ang Buhay, na sinumang sumasampalataya sa kanya ay mabubuhay kailanman at hindi na mamamatay. Kaya sumampalataya si Marta sa paniniwalang si Kristo ay ang Anak ng Diyos. Bagamat naging abala rin si Marta nang ipinauurong ni Hesus ang bato mula sa libingan dahil sa naagnas na katawan ni Lazaro, ipinaalala rin ng Panginoon sa kanya na makikita niya ang kaluwalhatian ng Diyos kung siya’y sasampalataya. Kaya binuhay muli ni Hesus ang kanyang kaibigan mula sa kamatayan. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng isang piging sa Betania, na kung saan si Marta ay naghanda, samantala si Maria ay nagbuhos ng langis sa paa ni Hesus. Ito ang kanilang pasasalamat sa Panginoon sa pagbubuhay ng kanilang minamahal na kapatid na si Lazaro.

Makikita natin sa buhay ni Santa Marta ang kahalagahan ng pagsisikap at paglilingkod para sa Panginoon. Kasama nina Santa Maria at San Lazaro, siya’y nagbigay ng aliw sa ating Panginoong Hesukristo sa nalalapit na Pagpapasakit at Pagkamatay sa Krus nito sa Jerusalem. At ipinaalala rin sa atin sa kwento ng magkakapatid na taga-Betania ang pananamapalataya na hindi lahat ay natatapos sa kamatayan, subalit mayroon pang darating na kaligayahan sa buhay na walang hanggan kung tayo ay patuloy na mananalig kay Kristo.

Reply

Joshua S. Valdoz August 1, 2024 at 4:48 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa pagpropesiya ni Jeremias laban sa Juda na pinagmumunuan ni Joaquim dahil sa mga makasalanang gawain ng mga tao laban sa Panginoon. Sinabi niya na hahantong ang mga ito sa pagkaranas ng pag-iisahan sila ng kanilang mga kaaway. Ngunit hindi ito’y pinaniwalaan ng mga saserdote, propeta, at tao na tilang inaakala nilang baliw si Jeremias. Kaya’t hinatol nila na siya’y patayin o kaya ikulong nalang siya. Hindi tinanggap ng Juda ang mensahe ng Jeremias na mula pa sa Panginoon.

Ang Ebanghelyo ay tungkol sa malungkot ng pangyayari nang di matanggap ng mga taga-Nazaret ang kanilang kababayan na si Hesus. Siya’y nagturo sa kanilang sinagoga, ngunit nagduda sila sa kanya dahil tingin nila siya’y anak lamang ng karpintero na si Jose. Hindi nila pinaniwalaan siya bilang propeta at higit pa bilang Anak ng Diyos. Kaya’t sinabi ni Hesus na walang propetang tinatanggap sa kanyang sariling bayan at pamayanan. At sabi nga sa huli ay hindi siya nakapaggawa ng anumang kababalaghan diyan dahil sa pagkukulang ng kanilang pananampalataya.

Ang hinding pagtanggap kina Jeremias at Kristo ay nagpapahiwatig kung gaanong di naunawaan ang mensahe ng Diyos dahil maliit lang ang kanilang pananampalataya. Ngunit makikita natin dito yung katatagan ng pananampalataya nina Jeremias at Hesus dahil ang itinuro nila ang kahalagahan ng pagsunod sa kalooban ng Ama. Yung nga ilang, inuna muna ng kanilang audensiya ang pagkiling sa kanilang katauhan.

Sa ating buhay, nawa’y makinig tayo sa mga taong nagpapahayag tungkol sa mga mensahe ng Panginoon, yung mga tinuguran na “mga propeta ng kontemporaryong panahon” na wala tayong kinikilingan at pinoprotektahan na masamang gawain. Nawa’y tanggapin natin ang Panginoon sa ating buhay at maging kanyang mga saksi upang ipagpahayag ang Mabuting Balita ng Paghahari ng Diyos sa mga taong hindi pa kilala siya at mahina ang pananampalataya sa kanya, pati na rin ang Pinakamahal na Poong Hesus Nazareno. Amen!

Reply

Joshua S. Valdoz August 1, 2024 at 4:50 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa pagpropesiya ni Jeremias laban sa Juda na pinagmumunuan ni Joaquin dahil sa mga makasalanang gawain ng mga tao laban sa Panginoon. Sinabi niya na hahantong ang mga ito sa pagkaranas ng pag-iisahan sila ng kanilang mga kaaway. Ngunit hindi ito’y pinaniwalaan ng mga saserdote, propeta, at tao na tilang inaakala nilang baliw si Jeremias. Kaya’t hinatol nila na siya’y patayin o kaya ikulong nalang siya. Hindi tinanggap ni Juda ang mensahe ni Jeremias na mula pa sa Panginoon.

Joshua S. Valdoz August 1, 2024 at 4:53 pm

Ang hindi pagtanggap kina Jeremias at Kristo ay nagpapahiwatig kung gaanong di naunawaan ang mensahe ng Diyos dahil maliit lang ang kanilang pananampalataya. Ngunit makikita natin dito yung katatagan ng pananampalataya nina Jeremias at Hesus dahil ang itinuro nila ang kahalagahan ng pagsunod sa kalooban ng Ama. Yung nga ilang, inuna muna ng kanilang audensiya ang pagkiling sa kanilang katauhan.

Sa ating buhay, nawa’y makinig tayo sa mga taong nagpapahayag tungkol sa mga mensahe ng Panginoon, yung mga tinuguran na “mga propeta ng kontemporaryong panahon” na wala tayong kinikilingan at pinoprotektahan na masamang gawain. Nawa’y tanggapin natin ang Panginoon sa ating buhay at maging kanyang mga saksi upang ipagpahayag ang Mabuting Balita ng Paghahari ng Diyos sa mga taong hindi pa kilala siya at mahina ang pananampalataya sa kanya, pati na rin ang Pinakamahal na Poong Hesus Nazareno. Amen!

Reply

Group of Believer Poblite August 2, 2024 at 6:53 am

MAGNILAY: Bihirang-bihira sa isang pari ang italagang maging kura paroko sa kanyang pinanggalingang parokya. Ang maaaring dahilan: “Ang isang propeta’y iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” Tulad ni Hesus mahirap paniwalaan ang isang pamilyar ka sa kanyang pinanggalingan. Mahirap tanggapin na ang kamag-anak o kapitbahay mo na minsan ang pakiramdam mo may mas karapatan ka kaysa kanya ay ngayon nangangaral na sa iyo. Mahirap igalang ang isang taong kilala mo lalo na kung may maitim siyang nakaraan. Gayunpaman, hindi imposible ang mangaral sa sarili mong pamilya, kamag-anak o kababayan tulad ng ginawa ni Hesus. Kung tutuusin ang pamilya mo ang una mo dapat ilapit sa Panginoon. Sila ang una mong dapat pagsilbihan bilang lingkod ng Panginoon. Kahit ang mangaral sa kanila ang pinakamalaking hamon ng iyong paglilingkod hindi mo dapat iwasan o talikuran ang hamon na ito. Sa kanila mo lalong nagagampanan ang iyong tungkulin nang walang pagkukunwari. Kilala ka nila kahit ang mga hindi naging maganda sa buhay mo pero nariyan ka bilang patotoo na binago ka, minahal ka at tinawag ka ng Panginoon!

MANALANGIN: Panginoon, maging propeta at sugo mo nawa ako una sa sarili kong pamilya, kamag-anak at kababayan.

GAWIN: Mangaral ka hindi lang sa mga taong madali kang pakinggan at tanggapin kundi rin naman sa mga taong pinakamahirap kang pakinggan at paniwalaan.

Reply

Malou Castaneda August 1, 2024 at 9:01 pm

PAGNINILAYi
Isa sa mga paraan kung saan nagdurusa ang mga tao sa ating lipunan ay ang kahihiyan at diskriminasyon batay sa pinagmulan ng magulang. Ito ay dinaranas ng mga taong kabilang sa mababang pangkat at mga gumagawa ng hamak na trabaho. Sa Ebanghelyo ngayon, makikita natin na bagama’t nagsalita si Hesus ng walang kapantay na karunungan, hinatulan Siya batay sa pinagmulan ng magulang at katayuan sa lipunan ng Kanyang pamilya. Ang mga tao ay hindi naniwala sa Kanya at dahil dito hindi Siya gumawa ng maraming himala para sa kanila. Ang ating lipunan ay hindi mabuti sa mga taong mababa ang katayuan sa lipunan. Marami rin sa atin ang malupit sa mga may kapansanan na pisikal, mental o sikolohikal. .

Iniiwasan ba natin o hinuhusgahan ang mga taong tila higit pa sa inaakala nating nararapat? Minsan, hinuhusgahan na natin ang iba bago natin namamalayan na huhusgahan sila. Matuto tayong maging bukas sa pagkilala at pagtanggap ng kabutihan at katotohanan kahit saan. Nawa’y matauhan tayo at sadyang “ilagay natin ang isip at puso ni Hesus.”

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makita ang Diyos na gumagawa sa amin, sa aming mga kaibigan at kapitbahay. Amen.
***

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: