Biyernes, Hunyo 28, 2024

June 28, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Tulad ng ketongin sa Ebanghelyo na humingi ng saklolo para gumaling, lumalapit tayo ngayon nang may pananalig sa ating Amang nasa Langit upang bibigyang-pansin niya ang ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pagalingin mo kami ng iyong biyaya.

Ang Simbahan nawa’y hindi magkulang sa kanyang pagtanggap sa mga isinasantabi at nakakaligtaan ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagsasaliksik sa paggagamot nawa’y gabayan ng Panginoon upang makatuklas sila ng angkop na gamot sa mga sakit na hindi pa nalulunasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating komunidad nawa’y tumulong nang may pag-ibig at kalinga sa mga taong nakakaligtaan ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nagdarahop, at mga nalulumbay nawa’y tumanggap ng pag-alalay mula sa kanilang mga kapatid na Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong nananalig kay Kristo nawa’y tanggapin sa paghahari ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, pinalalakas kami sa aming pananalangin ng iyong mga handog na kagalingan at kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 26, 2020 at 2:40 am

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay ang lubos na paglusob ng mga taga-Babilonia sa Jerusalem. Lahat ng mga tao, pati ang mga pinuno at pari nito, ay tinangay ng mga kawal ni Haring Nabucodnosor, na ang kumander ng kawal ay si Nabuzaradan. Dahil sa matinding pagkakasala ng mga tao ng Juda laban sa Panginoon, lalung-lalo sa pagmamatigas ni Haring Sedequias, nilusob sila ng mga taga-Babilonia. Sinasabi sa Bibliya na nakipagsabwatan si Sedequias sa mga taga-Egipto upang mag-alsa laban kay Nabucodnosor. Agad narating ang balitang ito sa hari ng Babilonia. At dahil sa pagtraydor ng hari ng Juda kay Nabucodnosor, madaling kumilos ang kawal ng mga taga-Babilonia sa pagkabihag ng Jerusalem. Kaya sa kasaysayan, tinatawag ang pangyayaring ito bilang “Babylonian exile”.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang kasunod na pangyayari matapos ang pangangaral ni Hesus sa Bundok. Ang huling pahayag ng Panginoon ay ang pakikinig sa kanyang salita at pagsasabuhay nito sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang pagtatayo ng isang matatag na pundasyon. Matapos iyon, sinabi ng mga tao na si Hesus ay nangaral nang hindi katulad sa mga eskriba at Pariseo. Ngayon ay parang tinutupad ng Panginoon ang ipinangaral niya tungkol sa pag-ibig. Narinig natin ang kanyang pagtatagpo sa isang ketong. Sa kasaysayan ng Israel, ang sakit na “ketongin” ay tinuturing na isang malalang sakit, kaya ang mga ketong at tao ay inuutasang mag-iwasan upang hindi makahawa ng malalang sakit. Subalit parang natagumpay ni Hesus na hindi natakot nang mahawakan niya ang isang ketong. Ang maganda pa rito ay mismo ang ketong ang humiling sa kanya na linisin siya. Parang nakikita na taong ito na si Kristo ay ang Mesiyas. Dahil si Hesus ay totoo sa kanyang ipinapangaral, hinilom niya ang lalaking ito mula sa sakit na ketongin, at inutusang huwag ipagsabi, subalit magpakita siya sa mga pari na siya’y napalinis. Ayon sa salaysay ni San Marcos, ipinagbalita ng lalaki ang ginawa ni Hesus sa kanya, kaya namangha ang mga tao at bigla silang lumapit kay Hesus. Bilang Mesiyas, si Hesus ay tumutupad sa kalooban ng kanyang Ama. Kaya makikita natin kung paano siya’y mapagkumbaba sa bawat paggawa niya ng kababalaghan. Samantala, nakita natin ang kanyang pagiging mahabagin at mapagmalasakit. Ang maaari nating matuto mula sa Panginoon ay kababang-loob at awa na may kasamang malasakit sa bawat tao. Ito ay isa sa mga paraang magpapatotoo sa ating pagkakilanlan bilang mga Kristiyano.

Reply

Joshua S. Valdoz June 27, 2024 at 4:17 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay ang lubos na paglusob ng mga taga-Babilonia sa Jerusalem. Lahat ng mga tao, pati ang mga pinuno at pari nito, ay tinangay ng mga kawal ni Haring Nabucodnosor, na ang kumander ng kawal ay si Nabuzaradan. Dahil sa matinding pagkakasala ng mga tao ng Juda laban sa Panginoon, lalung-lalo sa pagmamatigas ni Haring Sedequias, nilusob sila ng mga taga-Babilonia. Sinasabi sa Bibliya na nakipagsabwatan si Sedequias sa mga taga-Egipto upang mag-alsa laban kay Nabucodnosor. Agad narating ang balitang ito sa hari ng Babilonia. At dahil sa pagtraydor ng hari ng Juda kay Nabucodnosor, madaling kumilos ang kawal ng mga taga-Babilonia sa pagkabihag ng Jerusalem. Kaya sa kasaysayan, tinatawag ang pangyayaring ito bilang “Babylonian exile”.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang kasunod na pangyayari matapos ang pangangaral ni Hesus sa Bundok. Ang huling pahayag ng Panginoon ay ang pakikinig sa kanyang salita at pagsasabuhay nito sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang pagtatayo ng isang matatag na pundasyon. Matapos iyon, sinabi ng mga tao na si Hesus ay nangaral nang hindi katulad sa mga eskriba at Pariseo. Ngayon ay parang tinutupad ng ating Mahal na Poong Hesus Nazareno ang ipinangaral niya tungkol sa pag-ibig. Narinig natin ang kanyang pagtatagpo sa isang ketong. Sa kasaysayan ng Israel, ang sakit na “ketongin” ay tinuturing na isang malalang sakit, kaya ang mga ketong at tao ay inuutasang mag-iwasan upang hindi makahawa ng malalang sakit. Subalit parang natagumpay ni Hesus na hindi natakot nang mahawakan niya ang isang ketong. Ang maganda pa rito ay mismo ang ketong ang humiling sa kanya na linisin siya. Parang nakikita na taong ito na si Kristo ay ang Mesiyas. Dahil si Hesus ay totoo sa kanyang ipinapangaral, hinilom niya ang lalaking ito mula sa sakit na ketongin, at inutusang huwag ipagsabi, subalit magpakita siya sa mga pari na siya’y napalinis. Ayon sa salaysay ni San Marcos, ipinagbalita ng lalaki ang ginawa ni Hesus sa kanya, kaya namangha ang mga tao at bigla silang lumapit kay Hesus. Bilang Mesiyas, si Hesus ay tumutupad sa kalooban ng kanyang Ama. Kaya makikita natin kung paano siya’y mapagkumbaba sa bawat paggawa niya ng kababalaghan. Samantala, nakita natin ang kanyang pagiging mahabagin at mapagmalasakit. Ang maaari nating matuto mula sa Panginoon ay kababang-loob at awa na may kasamang malasakit sa bawat tao. Ito ay isa sa mga paraang magpapatotoo sa ating pagkakilanlan bilang mga Kristiyano.

Reply

Group of Believer Poblite June 28, 2024 at 6:07 am

MAGNILAY: Ang ketong ay kumakatawan sa lahat ng dahilan ng ating kahihiyan at pagtatakwil ng iba. Una, pisikal na kapansanan na dahilan ng panlalait ng iba. Hinihilom tayo ni Hesus upang makita ang dignidad ng bawat tao sa kanyang panloob na katangian hindi panlabas. Ikalawa, depekto sa ating personalidad na dahilan upang husgahan tayo. Hinihilom tayo ni Hesus upang huwag ikahon ang sinuman sa halip unawain na lahat tayo ay nasa proseso ng pagbabago ng sarili. Ikatlo, nagawang kasalanan na dahilan upang itakwil tayo. Hinihilom tayo ni Hesus na kamuhian ang kasalanan hindi ang makasalanan. Huli, sakit na nakakahawa na dahilan upang pandirihan tayo. Hinihilom tayo ni Hesus na higit kailanman ngayon tayo kailangan ng kapatid nating maysakit upang huwag maglaho ang natitirang pag-asa na meron sila.

MANALANGIN: Panginoon, kung ibig mo kami’y iyong mapapagaling.

GAWIN: Iangat mo ang kapwa mong nilalait, hinuhusgahan, itinatakwil at pinandidirihan

Reply

Danica G. June 28, 2024 at 9:15 am

Natunghayan natin sa ating Ebanghelyo ang katangian ng Diyos bilang lubhang mahabagin, mapagmahal, at mapagpagaling na yumayakap sa lahat ng uri ng tao. Bagama’t ang taong ketongin ay iniiwasan ng marami dahil sa kaniyang sakit ay hindi nag-atubili si Hesus na lumapit upang pagalingin ang taong ito. Tayo rin ay tila minsan naging ketongin na iniiwasan ng mga tao dahil sa ating mga kasalanan na nakapagpaparumi sa atin, ngunit patuloy tayong niyayayakap at pinapagaling ng ating Panginoon. Sa lahat ng oras ay taglayin din nawa natin ang kababaang loob ng taong ito sa paglapit sa Diyos ng awa at kagalingan. Huwag tayong mahiya na lumapit sa Diyos lalo na sa mga panahong tayo ay nahihirapan, nilalayuan at pinandidirian ng ibang tao. Nawa’y magmahal din tayo tulad ni Hesus, ang matutunan nating tanggapin at igalang ang lahat ng tao anuman ang kanilang katayuan sa buhay.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: