Lunes, Hunyo 24, 2024

June 24, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Pagsilang ni San Juan Bautista
Hunyo 24

Sa unang saglit pa lamang ng kanyang buhay, tinawag na si Juan Bautista upang ipahayag ang pagdating ng liwanag sa mga bansa, ang pag-asa ng mundo. Sa kagalakan ng pagdiriwang ito, manalangin tayo sa Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
O Diyos, maging mapagpala ka sa amin.

Ang Simbahan nawa’y palakasin ng Banal na Espiritu sa pagpapahayag ng mensahe ng kaligtasan hanggang sa dulo ng mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y maging kasangkapan ng katotohanan at katarungan at akayin ang kanilang mamamayan sa daan ng kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makarating kung saan tayo inaakay ng ating pananampalataya patungo sa kaligtasan ng ating kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nagdurusa nawa’y magkaroon ng bagong pag-asa sa pangako ng kaluwalhatian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasalanan ng mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y alisin ng Kordero, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng panahon at kawalang hanggan, hinahanap mo at sinasaliksik ang aming mga pangangailangan bago pa man kami humingi sa iyo. Sa tulong ni San Juan Bautista, kahabagan mo kami at dinggin ang aming mga panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 22, 2020 at 9:40 pm

Pagninilay: Sa buong liturhikong Kalendaryo ng Simbahan, tatlong kaarawan ng tatlong tauhan ang ipinagdiriwang ng Simbahan. Una na diyan ang ating Panginoong Hesukristo, na ating ipinagdiriwang sa araw ng Kapaskuhan (Disyembre 25). Ikalawa ang ating Mahal na Ina, ang Birheng Maria, na ating ipinagdiriwang tuwing ika-8 ng Setyembre. At ang huli ay ang ating pagdiriwang ngayon ng kaarawan ni San Juan Bautista (Hunyo 24). Mahalaga ang mga kaarawan nina Kristo at Maria sapagkat si Mariang ipinaglihing walang kasalanan ang nagsilang kay Hesus na Tagapagligtas ng mundo. Ganun din kahalaga ang Pagsilang ni San Juan Bautista sapagkat siya ang Tagapaguna ng daan para sa pagdating ng Mesiyas, na kanyang pinsan at Anak ng Diyos na si Hesukristo. Alam natin na si San Juan Bautista ay anak nina San Zacarias at Santa Isabel (Elisabet). Habang si Zacarias ay nag-aalay ng insenso sa altar ng kabanalan sa Templo, nagpakita ang Arkanghel na si San Gabriel sa kanya at ipinahayag ang kapanganakan at misyon ni San Juan Bautista, na siyang iluluwal ni Elisabet sa kanyang sinapupunan. Dahil 2 sila ay matanda na at matagal nang baog si Elisabet, nagduda si Zacarias, kaya naging pipi at bingi siya hanggang hindi natutupad ang nakatakdang pangyayari ayon sa plano ng Diyos. At narinig natin sa Ebanghelyo ngayon ang pagsilang ni San Juan Bautista mula sa sinapupunan ni Elisabet. Sinasabi rin dito na ang Birheng Maria na bumista sa bahay ng kanyang pinsan ay nanatili riyan ng tatlong buwan hanggang sa pangyayaring iyon. Ang mga kamag-anak ng sanggol ay nag-iisip kung anong ipapangalan sa kanya. At ayon nga sa kanilang tradisyon, dapat magmula sa pangalan ng kanilang pamilya at kamag-anak ang ibibigay sa bagong isinilang. Kaya nais nilang tawagin ang sanggol na Zacarias, katulad ng ama nito, subalit sinabi ng kanyang ina na ang pangalan ng sanggol ay Juan. At hindi sila sumang-ayon sa desisyon ni Elisabet, kaya ipinasulat nila kay Zacarias kung ano ang magiging pangalan ng bata. At isinulat ng ama nito ang Juan ang kanyang pangalan. Ito ang pangalang ibinigay ng Diyos nang magpakita si San Gabriel kay Zacarias. At nagtaka ang kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay kung ano ang magiging kapalaran ng sanggol na si Juan, sapagkat alam nila na siya ay kinalulugdan ng Diyos. Ang pangalang ‘Juan’ ay nangangahulugang “Ang Diyos ay mapagpala.” Binigyan ng Diyos ng pagpapala sina San Zacarias at Sta. Isabel ng isang anak kahit ang dalawa ay nasa katandaan ng edad. Higit na riyan, biniyayaan ng Panginoon ang tinig ng isang propeta’y nagpapahayag ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagsisisi mula sa mga kasalanan at pagbabalik-loob sa Diyos. Ang kanyang pagbibinyag sa Ilog Jordan ay tanda na nais ng Panginoong Diyos makamtan ng lahat ang kanyang pagtubos. Mahalaga rin sa buhay ni San Juan Bautista ang kanyang kababang-loob na ang kanyang pinsan, na ating Panginoong Hesukristo, ang dapat ipadakila, habang siya ay ipagpapakumbaba. Sa huli ng kanyang buhay, si Juan ay naging saksi sa katotohanan nang ipahayag niya na mali ang pakikiapid ni Haring Herodes Antipas kay Reyna Herodias, na dating asawa ng kapatid ng hari na si Felipe. Si San Juan Bautista ay tunay nga saksi sa Panginoon sa pagpapatawad ng Diyos, pagpapanumbalik ng relasyon ng tao sa Panginoon, at paninindigan sa katotohanan.

Reply

Malou Castaneda June 23, 2024 at 10:15 pm

PAGNINILAY
Pamilyar tayong lahat sa remote control ng isang telebisyon, kung saan naroon ang button na pinangalanang ‘MUTE’ na ginagamit upang ihinto ang tunog, saglit. Minsan, sa ating espirituwal na buhay, tayo rin, ay dumaranas ng karanasan ng pagiging ‘MUTE’ mode sa Diyos. Minsan nararamdaman natin na “wala” ang Diyos sa ating buhay. Ang mga magulang ni John, sina Zacarias at Elizabeth ay sumailalim sa ‘mute’ na karanasang ito sa Diyos. Pagkatapos ang mahabang paghihirap ay sa wakas ay ginantimpalaan ng Kagandahang-loob ng Diyos– ang Sandali na ‘Ang Kanyang Pangalan ay Juan’! Ang ‘mute’ na mga sandali sa ating buhay ay masakit at mahirap kapag ang lahat ay tila tuyo, walang sagot, tahimik, minsan kahit na walang pag-asa sa hinaharap. Kung minsan, sa kawalan ng pananampalataya, maaari tayong magsimulang magtanong sa Diyos tulad ni Zacarias. Ngunit wala sa ating kawalan ng pananampalataya ang makakasira sa plano ng Diyos para sa atin. Ang mga pagkaantala ng Diyos ay tiyak na hindi Kanyang mga pagtanggi! Siya ay may mas magandang plano–palagi, walang kabiguan! Ang ating ‘mute’ moments ay gagawing, ‘His name is John’ moments!

Panginoong Hesus, nawa’y maging matiyaga kami sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa aming mga sandali ng Mute upang maranasan namin ang mapagbiyaya at kaloob na ‘HIS NAME IS JOHN’ na mga sandali sa aming buhay! Amen.
***

Reply

Joshua S. Valdoz June 24, 2024 at 10:10 am

REFLECTION: Pamilyar tayong lahat sa remote control ng isang telebisyon, kung saan naroon ang button na pinangalanang ‘MUTE’ na ginagamit upang ihinto ang tunog, saglit. Minsan, sa ating espirituwal na buhay, tayo rin, ay dumaranas ng karanasan ng pagiging ‘MUTE’ mode sa Diyos. Minsan nararamdaman natin na “wala” ang Diyos sa ating buhay. Ang mga magulang ni John, sina Zacarias at Elizabeth ay sumailalim sa ‘mute’ na karanasang ito sa Diyos. Pagkatapos ang mahabang paghihirap ay sa wakas ay ginantimpalaan ng Kagandahang-loob ng Diyos– ang Sandali na ‘Ang Kanyang Pangalan ay Juan’! Ang ‘mute’ na mga sandali sa ating buhay ay masakit at mahirap kapag ang lahat ay tila tuyo, walang sagot, tahimik, minsan kahit na walang pag-asa sa hinaharap. Kung minsan, sa kawalan ng pananampalataya, maaari tayong magsimulang magtanong sa Diyos tulad ni Zacarias. Ngunit wala sa ating kawalan ng pananampalataya ang makakasira sa plano ng Diyos para sa atin. Ang mga pagkaantala ng Diyos ay tiyak na hindi Kanyang mga pagtanggi! Siya ay may mas magandang plano–palagi, walang kabiguan! Ang ating ‘mute’ moments ay gagawing, ‘His name is John’ moments!

Panginoong Hesus at Mahal na Ina Ng Laging Saklolo, nawa’y maging matiyaga kami sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa aming mga sandali ng Mute upang maranasan namin ang mapagbiyaya at kaloob na ‘HIS NAME IS JOHN’ na mga sandali sa aming buhay! Amen.

Reply

Group of Believer Poblite June 24, 2024 at 11:01 pm

MAGNILAY: Mapagpala ang Diyos! Ito ang kahulugan ng pangalang JUAN. Si Juan Bautista ay naging daluyan ng pagpapala at grasya ng Diyos sa pagtugon niya sa misyong maging propeta na itinakda ng Diyos noon pa mang nasa sinapupunan siya ng kanyang ina. Bilang propeta naging tinig siya ng Diyos sa marami na inakit niya tungo sa pagsisisi at pagbabagong-buhay. Siya ang nagturo sa lahat kung sino ang Mesiyas – si Hesus na Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng mundo.

Tinatawag din tayong maging mga JUAN! Sa pagtuklas natin sa misyong itinakda sa atin ng Diyos noon pa man at kusang-loob nating pagtugon dito magiging grasya tayo sa buong sambayanan. Ang buhay ay pagsisilbi at pagbibigay ng sarili para sa iba. Natutupad ito kapag nakilala na natin ang misyon natin sa buhay na Diyos ang may-akda. Hangga’t hindi natin ito natutugunan mananatiling may kulang sa puso natin. Kahit matagumpay tayo sa karera at propesyon natin hindi tayo magiging tunay na maligaya hangga’t hindi natin nabibigay ang ating sarili sa misyong itinakda sa atin.

MANALANGIN: Panginoon, ipadama mo sa akin kung ano ang misyon ko sa buhay at gawin mo akong daluyan ng iyong grasya.

GAWIN: Maging misyon mo ang maging bagong JUAN sa sambayanan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: