Linggo, Hunyo 23, 2024

June 23, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa

Bunsod ng kabatirang tayo ay napaliligiran ng iba’t-ibang uri ng kahirapan, tayo’y pakumbabang dumulog sa Panginoon at manalangin para sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, ng Simbahan, at ng sa ating sarili:

Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa Inang Simbahan, na pamayanan ng mga disipulo ni Kristo: Nawa’y lagi siyang dumulog sa kanyang Tagapagtatag at Tagapagligtas para sa kanyang kaligtasan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, mga Obispo, at mga kura paroko: Nawa sila’y maging laging maawain sa mga dumaranas ng matinding kahirapan at nangangailangan ng tulong. Manalangin tayo!

Para sa mga pamilyang nagdaraan sa krisis pangkabuhayan: Nawa’y makatagpo sila sa pananampalatayang Kristiyano ng bukal ng pakikipagkasundo, kapayapaan, at pag-asa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng maysakit, lalo na sa mga may taning na sa buhay: Nawa’y kumapit sila sa mapagpagaling na presensiya ni Hesus at patuloy silang manalig sa kanya bilang kanilang Tagapagligtas at Panginoon. Manalangin tayo!

Para sa ating sarili at sa mga mahal natin sa buhay: Nawa’y mailigtas tayo sa lahat ng panganib, pagpalain tayo sa ating mga gawain, at patuloy na magtiwala sa mapagligtas na grasya ni Hesus. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga migranteng umiiwas sa gutom at giyera na napipilitang mangibang-bayan sa kabila ng panganib at karahasan: Makatagpo nawa sila ng pagtanggap at pagkalinga sa mga bayang magbubukas ng pintuan sa kanila. Manalangin tayo.

Panginoong Diyos, bukal ng aming pag-asa at kaligtasan, lingapin Mo ang Iyong bayang dumudulog sa Iyo nang buong pananalig. Patuloy nawa naming malasap ang kapangyarihan ng Iyong mapagligtas na pag-ibig. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 15 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 12, 2021 at 11:35 pm

PAGNINILAY: Sinasabing 365 beses binaggit sa Banal na Kasulatan ang katagang “Huwag kang matakot”. At alam natin na mayroong 365 araw sa isang taon. Parang sinasabi ng Panginoon araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan, at taon-taon na huwag tayong masindak sa takot, sapagkat kapiling niya tayo palagi. Ang mga pagsubok, problema, at paghihirap ay inilalarawan katulad ng unos o bagyo. Tayo ay natatakot, naguguluhan, nabibigatan, at madalas nagwawala kapag dumating ang mga ganitong sakuna sa ating buhay.

At ito ang bagyong naranasan ng mga 12 Apostol sa Ebanghelyo ngayon, matapos ang pangngaral ni Hesus sa napakaraming tao sa dalampasigan tungkol sa Kaharian ng Diyos. Si Hesus ang nag-anyaya sa kanila na tumawid sa kabilang ibayo, na alam nila ito ang utos na sumakay sa bangka at tumawid sa dalampasigan patungong Capernaum. Ngunit ang paanyayang iyon ay pagtatawid din ng kanilang mga buhay mula sa pagkatakot patungo sa pananampalataya. Habang sila’y nahihirapan na pagpapanatili ang agos ng bangka sa dagat sa kabila ng mga malalakas na alon at hangin, ginigising nila si Hesus na natutulog. Nang bumangon ang Panginoon, mahinahon niyang pinatigil ang mga alon at hangin, at tuluyang humupa ang bagyo. Dahil sila’y nagsabi na parang hindi niya napapansin sila’y lulubog, tinanong naman sila ni Kristo kung bakit ganoong kaliit ang kanilang pananampalataya. Kahit kwinestyon ni Hesus ang kaliitan ng kanilang pananampalataya, tinanong pa rin nila sa isa’t isa kung sino siyang napapasunod ang dagat at hangin.

Ang pangyayaring ito ay madalas ilarawan sa ating Inang Simbahan, na dumaan na sa maraming pagsubok, ngunit patuloy pa rin na hindi matitinag dahil sa pangako ni Hesus, na walang mananaig laban sa kanya. Kaya siguro ito ang minungkahing Ebanghelyo ng ating Santo Papa noong kanyang ‘Urbi et Orbi’ ukol sa ating hinaharap ngayong krisis. Sa kabila ng ating mga paghihirap sa buhay, lalung-lalo na ang pandemyang ito, inaanyayahan tayo na tularan si Hesus na maging mahinahon sa kabila ng mga bagyo, upang matagupan natin sa kanya ang lakas, proteksyon, at kapayapaan. Tularan nawa natin si Job sa Unang Pagbasa, na naging matuwid at matapat sa Panginoon sa kabila ng kanyang mga pagdurusa na parang mga malalakas na hampas ng alon at pag-ihip ng hangin. Dahil alam ni Job na ang Diyos ang may kontrol sa lahat ng nangyayari sa atin, pati na rin sa ating mga paligid.

Mahirap man ito unawain ngayon lalung-lalo na kung gusto mo nang sumuko, mahalaga pa rin na tayo’y buhay na buhay araw-araw mula pagbangon hanggang pagtulog. At ang pinakatiyak na halimbawa natin ay si Hesus, na ang lahat ng paghihirap ng mundo, pati na rin ang kanyang mga personal na hirap, ay inako niya sa kanyang Krus upang matunghayan natin ang mas nakakahigit na kahulugan kung saan napupunta ang ating mga pagsisikap sa buhay, bagamat tayo ay naghihirap. At ito ang inilarawan ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na dahil sa Misteryong Paskwal ni Hesus, tayo ay naging isang bagong nilalang. Kaya’t tayo rin ay inaanyayahang tularan si Hesus sa ating buhay pang-Kristiyano, na maranasan natin kung ano talaga ang realidad ng buhay ng tao, hindi naman talaga para tayo ay malubog pa sa hirap, kundi upang umahon tayo sa biyaya ng pagpapala at pagmamahal ng Diyos. At tayo nawa ay patuloy na gumawa ng mga kagandahang-loob ng kabutihan at katuwiran kahit tayo pa ay naghihirap, bilang pagtulong natin sa kapwa at magsilbing inspirasyon na gawin din ang mga bagay na ito nang buong puso.

Reply

Ronaldo C. Paningasan June 16, 2021 at 4:09 pm

bakit may ibang mga bangka na sumabay at sino ang mga nasa bangka na iyon? please po pasagot kung sino po ang may nakakaalam kailangan ko lang po salamat po…Godbless po

Reply

Delia u f June 20, 2021 at 9:27 am

Yong bangka nererepresent nya ang simbahan. At yong nasakalubong nila Jesus ay tayo po yon. Na tinatawag nya tayo. Na ung malakas n alon ay nerereperesent nya ung mga kasalanan, pag hihirap at mga pagsubok na dumadaan sa ating buhay. Which is tinatawag tayo ng Diyos na mas kumapit tayo sa ating pananampalataya sa kanya.

Reply

Cristian June 23, 2024 at 4:43 pm

Sa tingin ko po ay iyong mga bangka na iyon ay mga bangka na tiyak na nakakita ng lahat ng pangyayari, nakita (at naranasan) kung paano dumating ang unos, maapektuhan ng unos, at halos lunurin ng unos. Ngunit ang mga bangkang iyon (lalong-lalo na ang mga taong lulan ng mga bangkang iyon) ay tiyak na nakasaksi at nasaksihan nila ang himalang ginawa ni Kristo upang patigilin ang unos ayon sa kasulatan.

Reply

Cristian June 23, 2024 at 4:47 pm

Sa tingin ko po ay iyong mga bangka na iyon ay mga bangka na tiyak na nakakita ng lahat ng pangyayari, nakita (at naranasan) kung paano dumating ang unos, maapektuhan ng unos, at halos lunurin ng unos. Ngunit ang mga bangkang iyon (lalong-lalo na ang mga taong lulan ng mga bangkang iyon) ay tiyak na nakasaksi at nasaksihan nila ang himalang ginawa ni Kristo upang patigilin ang unos ayon sa kasulatan. Maaaring naging tulay din para sa mga taong iyon ang pangyayaring iyon upang mas kilalanin pa ang Panginoon.

Reply

evelyn dela cruz June 19, 2021 at 5:32 pm

Ang mga bangka ay para sasakyan nina Hesus at kanyang mga Alagad para tumawid sa ibayo

Reply

Ronaldo C. Paningasan June 20, 2021 at 9:24 am

Amen po and Thank you po Godbless po…

Reply

evelyn dela cruz June 19, 2021 at 5:36 pm

Ang mga bangka ay sasakyan nina Hesus at kanyang 12 Apostol para tumawid sa dalampasigan patungo sa Capernaum

Reply

Sherwin D. Yanoria June 20, 2021 at 7:50 am

Nababagabag ka ba? Tunay na sa panahon ngayon ay marami ang natatakot. Di natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Walang nakakaalam kundi ang Diyos lamang. Kaya naway mapalitan ng tiwala ang pagkabagabag. Ang Diyos ang ating sandigan. Siya lang ang ating maaasahan. Hindi tayo maililigtas ng pera, yaman at kapangyarihan. Lahat ng ito ay para lamang sa mundong ito. Ngunit paano naman para sa ating espirituwal.Ito ang higit sa lahat na importante. Dahil ito ang may kaugnayan sa Diyos at sa atin.

Reply

David Azucenas June 15, 2024 at 6:05 pm

ang pagtawid po ni Jesus sa dagat para sa ibang mga tao ay pagbibigay po Ng pananalig at tiwala sa atin, Minsan po naman Hindi Tayo makasimba dahil po umuulan sa mga oras na iyon, pero Hindi ito naging hadlang Kay Cristo, natulog pa nga Siya sa bangka at ginising Siya! at sa pag gising Niya kinausap Niya ng mahinahon ang humahadlang sa kanila, mga Kapatid Hindi Hindi lang po sana ulan o bagyo ang ating dahilan para Hindi na Tayo magsimba o mag pugay sa kanya sapagkat pinabated po Niya sa atin sa pamamagitan Ng Gospel na ito na hangang ngayon ba naman kulang pa ang pananalig ninyo sa akin or Hindi ba kayo naniniwala sa akin? yon po ang tugon ni Jesus, mga kapated kung buong puso po nating minahal si Cristo, wala pong makakahadlang sa atin, huwag po nating isipin na dahil sa kalamidad na yan ay Hindi na Tayo pumunta sa kanyang bahay dalanginan, huwag po nating hayaang lupigin Tayo Ng kabilang panig, at tuluyan Tayong Hindi na kilalanin Ng Dios, katulad Ng sinabi Niya sa mateo 7:21-23 .sinabi ni Jesus na Hindi purkit tumawag kayo sa akin ng Panginoon, Panginoon ay akin ng diringin at makakapasok na sa kaharian Ng langit, Kon di yon lamang pong mga tao na sumasampalataya at nananalig sa kanya… kaya mga Kapatid patuloy po Tayong maglingkod sa panginoon, para meron Tayong maibahagi sa mga anak natin at sa ibang tao,..Pinupuri at pinapasalamatan ka namin Panginoon! AMEN PO!

Reply

Ely Vidal June 19, 2024 at 7:48 am

Jesus is teaching us to SLEEP IN THE MIDST OF THE STORM. Medyo mahirap Ang aral na ito ni Jesus, Ang matulog sa gitna Ng bagyo. Wala pa yatang tao na makagawa nito. But in our gospel today, Jesus literally did it, to sleep in the storm.
Here, I wanna share something, first, that God is in control of everything in our lives. Whatever storm were facing right now , personal ( financial, health, etc) or national issues ( west Philippine sea problems, corruptions,etc) everything will be ok because God is with us. He is Emmanuel. Second, we ought to believe and trust God 101percent. Kagaya Ng mga apostol, medyo may kahinaan Kung minsan Ang ating trust. Yes we believe God but sometimes we lack trust in Him. Sabi nga ni Jesus, “Bakit kayo natatakot, Wala pa ba kayong pananalig? N.B. Jesus is very particular with our trust in Him in the midst of our difficulties and storms. And third, God trusts us too. If we need to trust God 101 percent, on the other side of the coin, God trusts us 300 percent. He said in Jn. 14:12, we can do more what He did. He is confident that we can overcome everything in His Name with the guidance of the Holy Spirit. In fact, He entrusted to us His Church to continue His mission. No storm can destroy the Catholic Church because Christ is with us. He said in Matt. 28:20, “I will be with you till the end of time”.
So, learn to SLEEP IN THE MIDST OF THE STORM

Reply

drROMUALDO-sjc June 20, 2024 at 3:18 pm

Mga kapatid, ang pagbasang ito ay nagpapaalala sa atin na sa bawat bagyo ng ating buhay, kasama natin si Jesus. Huwag tayong matakot lumapit sa kanya sa pamamagitan ng panalangin at paghingi ng tulong. At higit sa lahat, tinatawagan tayo na magtiwala sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal. Ang pananampalataya natin sa kanya ay magbibigay sa atin ng kapayapaan, kahit ano pa man ang ating pinagdadaanan.

Nawa’y lagi nating alalahanin na ang ating Panginoon ay makapangyarihan, at sa kanya, walang imposible. Tiwala tayo na sa bawat bagyo ng buhay, siya ang magpapatahimik nito at magbibigay sa atin ng kapayapaan.

Reply

Joshua S. Valdoz June 22, 2024 at 9:33 am

REFLECTION: Mga kapatid, ang pagbasang ito ay nagpapaalala sa atin na sa bawat bagyo ng ating buhay, kasama natin si Jesus. Huwag tayong matakot lumapit sa kanya sa pamamagitan ng panalangin at paghingi ng tulong sa pinakamahal na Ina Ng Laging Saklolo. At higit sa lahat, tinatawagan tayo na magtiwala sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal. Ang pananampalataya natin sa kanya ay magbibigay sa atin ng kapayapaan, kahit ano pa man ang ating pinagdadaanan.

Nawa’y lagi nating alalahanin na ang ating Panginoon ay makapangyarihan, at sa kanya, walang imposible. Tiwala tayo na sa bawat bagyo ng buhay, siya ang magpapatahimik nito at magbibigay sa atin ng kapayapaan.

Reply

Malou Castaneda June 22, 2024 at 9:20 pm

PAGNINILAY:
Kapag tayo ay nasa kalagayan ng espirituwal na pagkabulag, hindi natin namamalayan ang ating sariling pagkamakasalanan at pinahihintulutan tayo ng mga unos ng kawalang-kasiyahan. Habang nagsisimulang umuga ang kaguluhan sa ating bangka, tayo ay natatakot at sumisigaw ng tulong. Sa panahong iyon, ang ating Panginoong Hesus ay nagsasalita sa atin, nang may pagmamahal, ngunit nang mapaghamong, sinasabi sa atin na muling ituon ang ating pansin sa Kanyang presensya at kung paano tayo napalayo sa Kanya. Ang ating tugon ay aminin na tayo ay nagkasala sa pamamagitan ng pagtingin sa maling direksyon at pag-iisip lamang sa ating sarili. Muli nating inaayos ang ating konsentrasyon upang maging ganap na patungo sa Diyos. Napagtanto natin na ang ating Panginoong Hesus ay kasama natin sa gitna ng magulong panahon ng buhay, at doon natin mararanasan ang kapayapaan at katahimikan na nagmumula sa ating Panginoong Hesus na magsasalita ng mga salitang, “Tumahimik at maging mapayapa”.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming dumulog sa Iyo sa panalangin sa lahat ng unos ng aming buhay. Amen.
***

Reply

Group of Believer Poblite June 23, 2024 at 8:02 am

MAGNILAY: Minsan hindi ang bagyo ang dapat pakalmahin kundi tayo mismo na natataranta sa kawalan ng tiwala sa Diyos sa gitna ng mga bagyo ng buhay. Pinakalma ni Hesus ang hangin at mga alon para kumalma ang mga alagad na halatang walang pananalig sa kanya kahit kasama nila siya. Tulog siya hindi dahil wala siyang pakialam. Tulog siya dahil kalmado lang siya. Tiwala siya sa pag-ibig ng kanyang Ama sa langit. Ito ang leksyon na nais niyang ituro sa mga alagad at sa atin. Kapag may bagyo ang buhay matutong kumapit sa kanya. Kapag lumagpas ang bagyo hinding- hindi na tayo katulad ng dati. Binabago tayo ng bawat bagyo upang maging mas matapang, matalino at matatag.

MANALANGIN: Panginoon, pakalmahin mo ang malalaking alon ng aking takot at alinlangan.

GAWIN: Huwag magduda sa Panginoon kahit isang saglit. Kapit lang.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: