Huwebes, Agosto 31, 2023

August 31, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Sa Ebanghelyo, inaatasan tayo ni Jesus na magbantay sa araw ng kanyang muling pagbabalik. Lumapit tayo sa Ama habang nananalangin, nagbabantay, at naghihintay sa kanyang mahal na Anak.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, hinihintay namin ang iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y hindi makuntento na lamang sa kanyang mga nagawa na bagkus higit pang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng Ebanghelyo ng pagbabalik-loob at isakatuparan ang kinakailangang pagpapanibago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga komunidad nawa’y maging mga karapat-dapat na lugar para sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating paggalang, pagmamahal, at pagkalinga sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging laging handa sa pagdating ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananatiling gising at hindi natatakot, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y matagpuan ang kalooban ng Diyos sa kanilang mga pagsubok at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y matagpuang handa sa pakikipagkita sa Panginoon na kanilang matagal nang hangaring makita nang hayagan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin kalakip ang katapatan ng aming mga puso. Tulungan mo kaming lumago sa kabanalan habang naghihintay kami nang may maligayang pag-asa sa pagdating ng iyong paghahari. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 20, 2021 at 12:18 pm

PAGNINILAY: Malapit nang matapos ang Buwan ng Agosto, at papasok na tayo sa tinatawag na Buwan ng mga ‘bre,’ na kung saan marami tayong ipathahandaan para ipagdiwang ang Pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo sa Panahon ng Pasko. Sa ating liturhiya, nagsisimula ang ating kalendaryo sa tinatawag na Panahon ng Adbiyento. Ang salitang “adbiyento” ay nagmula sa salitang Latino na ‘adventus,’ na may ibig sabihin na “pagdating”. Ginugunita ng Panahon ang Tatlong Pagdating ni Kristo: (1) Ang kanyang Pagkakatawang-tao na higit na 2,000 taon sa Bethlehem, (2) Ang Parousia sa katapusan ng mundo, na kung saan siya ang maghahatol sa lahat ng mga bansa at lahi, at (3) ang kanyang kaanyuhan sa ating mga pang-araw-araw na kapwa, o kaya ang pagpapakita niya sa mga tanda ng panahon.

Sa ating Unang Pagbasa (1 Tesalonica 3:7-13), hinikayat tayo ni San Pablo na maging matiyaga sa pananalangin na may pananampalataya sa kabila ng mga pagdurusa, dahil tayo ay tunay na nabubuhay dahil sa katatagan ng ating pananampalataya sa Panginoon. Kaya ang ating pagpupuri at pasasalamat sa kanyang paggabay at pagpapala ay dapat magsilbing inspirasyon upang maging kapwa din tayo sa ibang tao, na umapaw pa ang ating pag-ibig sa bawat nilalang ng Panginoong Diyos. Ito ang ating sanang disposyon habang nananabik tayo sa muling pagpaparito ng kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo, sa kahuli-huling araw.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 24:42-51), tinutukoy ng ating Panginoong Hesukristo tungkol sa mga mabubuting lingkod na naghihintay sa kanilang Dakilang Amo kahit kinahuhuli ng gabi. Ang paghahandang pinag-uusapan ay sa labas at sa loob. Sa labas, kailangan natin maghanda sa mga hamon na haharapin natin, at sa loob, kailangan natin gumawa ng mabuti sa ating mga kapwa. Sa ating paglakbay sa daang ito, maghanda tayo sa Pagdating ng ating Panginoon sa paghaharap sa mga hamon bawat araw at paggawa ng mabuti sa ating mga kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 26, 2021 at 9:00 am

Nakakalungkot pero ang social media ngayon lalo na ang facebook ay nagmistulang obituary page. Maya’t maya ay makikita kang nagpapalit ng profile pic nila ng itom o di kaya nama’y kandila na nangangahulugang may namatay sa mahal nya sa buhay. Ang buhay ng tao ay maigsi lamang at wala sinuman sa atin ang nakakaalam kung kailan tayo babawian ng buhay. Kaya nararapat na tayo ay maging handa, hindi sa pg iipon ng pera o insurance kundi maging handa ang kaluluwa sa pagharap sa lumikha. Ang pagbabago ay ngayon, simulan mo ngayon, wala tayo sa posisyon para sabihin natin na mahaba pa ang panahon sapagkat amg Diyos lamang ang makapagsasabi nito kapag niloob nya. Umpisahan mo ngayon sa pagsisi sa mga nagawang kasalanan, ihingi ito ng tawad kay Hesus at sikapin na talikuran na ang kasamaan bago dumating ang pagparito ng Panginoon upang masama kayo sa Paraiso at hindi sa paghihirap sa apot habang nangangalit ang iyong nga ngipin.

Reply

Rey Anthony Yatco August 31, 2023 at 4:38 am

MAGANDANG BALITA NGAYON – HUWEBES NG IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

MATEO 24:42-51 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kaya magbantay kayo, sapagka’t hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung ang oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagka’t darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.

Ang tapat at matalinong alipin ang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sila karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian.”

MAGNILAY: Nasa huli ang pagsisisi. Madalas pa ring makalimutan ang kasabihang ito. Ilang beses na rin tayong nahuling hindi handa pero kapag nakalipas na naman ang pagsubok ng buhay balik na naman tayo sa pagiging kampante lang at parang di natuto sa nakaraan hanggang bulagain na naman tayo ng isang dagok ng buhay kung saan hindi na naman tayo handa. Ang maging kampante lang ay tukso ng demonyo. Lagi niyang bulong na mahaba pa ang oras. Matagal pa ang susunod na pagsubok kaya’t mag-aksaya ka muna ng panahon at magsaya.

MANALANGIN: Panginoon, lagi mo nawang ipadama sa amin ang kaiklian ng panahon.

GAWIN: Huwag mag-aksaya ng panahon at pagkakataon.

Reply

Jose M. Javier August 31, 2023 at 4:57 am

Reflection. Are we ready to meet the Lord? As servants of our master he will be glad if we are consistent in doing our job even if we believe that he is prolonging his coming back. Sometime there are tendencies to backslide with our our faith and to be more complacent in what we do in our life. The gospel tells us that the coming of God is near. No one knows when He will come but like the master of the house in the story, we are encouraged to be ready at all times. Just like BSP motto, “Laging Handa”, this encourages and reminds us not to be complacent in our life.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: